Ang kahalagahan ng Social Works at ng isang manggawa ng lipunan
Bilang isang Humss student, ang social works para sa akin ay ang gawaing ginagawa ng mga indibidwal para sa kapakinabangan ng lipunan at dapat itong naglalayong isulong ang pagbabago sa lipunan o pag-unlad sa lipunan. Ang mga social workers naman ay mga miyembro ng lipunan na masigasig na nagtatrabaho upang mapawi ang pagdurusa at mas matulungan ang buhay ng anuman at ng lahat ng nangangailangan. Ang mga manggagawa sa lipunan o social workers ay tumatayo araw-araw para sa karapatang pantao at hustisya sa lipunan upang makatulong na palakasin ang mga komunidad. Maaari silang maging tinig para sa mga taong may mga hinanaing at sa mga taong hindi naririnig. Sa likod ng bawat tao o pamilya na dumaranas ng isang mahirap na hamon sa buhay, maging ito man ay sa kahirapan, pagkalulong, pang-aabuso, kawalan ng trabaho, kapansanan, sakit sa kaisipan, diskriminasyon o kung anuman, ay may isang social worker na naghihintay ng tulong na maibibigay para sa kanila.
Napakahala ng social works at social workers dahil dito sa ating mundong ginagalawan na puno ng mga kawalang-katarungan, puro kumplikado at puro hamon ay kailangan natin ang mga tao na nakatuon na gumawa ng pagkakaiba sa buhay ng mga tao sa loob ng kanilang mga komunidad na higit pa kaysa dati, sila ay ang mga tinatawag na social workers. Sa pamamagitan ng kanilang pangako sa pagsasagawa ng positibong pagbabago sa lipunan, ang pagtulong sa bawat indibidwal na kanilang nakakasalamuha na umunlad ang kanilang lokal na kapaligiran at maging isang tagataguyod para sa mga nawalan ng boses, ang mga social workers ay may mahalagang papel sa pagpapabuti ng buhay ng mga nangangailangan ng tulong.
Ang mga social workers ay may mahahalagang tungkulin sa ating lipunan dahil sila ang mga lingkod ng bayan na kung saan ay tumutulong sa mga taong nangangailangan na matuklasan ang bago at makabagong mga paraan upang malutas o makaya ang mga hamon na kinakaharap nila sa buhay, at sa gayon ay bibigyan sila ng kaalaman at kasanayan na kailangan nila upang mapagbuti ang kanilang mga kinakaharap sa buhay. Hindi rin madali ang buhay ng mga social workers dahil sa kabila ng kanila kanilang buhay ay mas pinipili nilang tulungan o pagtuonan ng pansin ang ibang tao na kung saan ay mayroong iba't ibang problemang kinakaharap sa buhay.
At para sa akin, ang pagiging isang social worker ay isa sa mga pinakamagandang trabaho dahil sila ang tumutulong sa mga aktwal na tao at gumagawa ng pagkakaiba sa buhay ng mga ito. Hindi lang tao ang kanilang natutulungan kundi natutulungan din nilang maging mabuti ang pamayanan at kapaligiran dahil sa mga taong kanilang natutulungan.
Bilang isang Humanista, ang natutunan ko sa mga social workers na nakasalamuha ko ay ang maglingkod ng tapat sa bayan at sa tao. Mahirap gumawa ng social works at mahirap din maging isang social worker pero kung malapit ka sa puso ng tao at kung nasa puso mo ang pagtulong, mahirap man pero ito ang gagawin mo dahil ito ang nais ng puso mo. Maging saludo sana tayo sa ating mga magigiting ng social workers sa paghihirap at pagsasakripisyong kanilang ginagawa sa ating lipunan dahil hindi ito mababayaran ng kahit ano pa man dito sa ating mundong kinabubuhayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento